+1(514) 937-9445 or Toll-free (Canada & US) +1 (888) 947-9445
go north said:
Hi jef0607,

Kumusta? We have the same landing date...
Saan area ka sa MB? Winnipeg k rin ba?
... d2 lang ako sa may Transconna area, east side of Winnipeg.
Bukod sa confirmation of apartment lease/tenancy contract (bumukod kc kami agad from.day 1) and hydro (electricity) contracts, SIN, health insurance, Manitoba Identification Card, Bank deposits and credit/ debit cards applications, at home internet, cable & phone connections and Manitoba Start registration pa lang ang mga naasikaso ko for the pass 4 days... sabay din kc ang mga groceries, bili ng mga winter clothes & gamit sa apartment, at meet and greet w friends d2 Winnipeg.
Napaka hectic.
... next week ko inisched ung Canada Child Care Benefits Application, Rent Assist Application, Pharmacare Application, at mobile phone and data service application. Aasikasuhin ko na sana bukas, however saturday at sunday, walang offices...

Natatagalan akong mag apply ng mobile phone service (w/c is important 4 job application), 'coz the mobile phone service providers here require me to provide at least 2 CAD issued ID's. They asked for a copy of my COPR, credit card, or SIN. Being new, I can only provide the COPR... and, the SIN - w/c is ill-adviced by my sponsor... bangko lang daw at work acctng/hr offices ang mga usually binibigyan ng SIN... pwede kc ito magamit sa fraud...once they have it, they'll have access to all of my credit/gov't benefit history... So, unless I'm willing to take the risk at ibigay na agad ung SIN ko, I'll have to wait to acquire the other posible ID's for submission.
...kaya ako kumuha ng $20 CAD worth na Manitoba ID Card from MPI (Manitoba Public Insurance) - the same agency that issues driver's license...balak ko nga rin sanang isabay na mag pasched ng written exam for our driver's license, but i was adviced to first review and prepare for it by my sponsor. The MB ID Card, being a gov't issued ID w/ pic, may be provided instead of SIN, in case "alanganin" kang ibigay ang SIN sa mga humuhingi nito.

... Good luck to all of us ...
hi go north... landed August 8 here in Manitoba. by second day we had our Manitoba health card already. Regarding sa bank account, Pinas pa lang may account na kami and after a week pumasok na ung natransfer namin from Pinas. on the second week we had our credit card already as well as our mobile number. Nasend na rin namin ung sa child care benefits :-) my hubby just had his written exam for his drivers license and buti naman nakapasa. by September yung road exam :-)

Sa immigration naman wala masyado tinanong. they just ask if ano status nmin magasawa so we just answered married and yun lang tinanong. matagal lang waiting time kasi dami tao nung dumating kami.

good luck sa ating lahat :-)
 
jef0607 said:
hi go north... landed August 8 here in Manitoba.

Congratulations on landing. Welcome to Canada.

(kailangan talaga 8/8/16 ang landing date? Itaya mo sa Lotto)...
 
ragluf said:
Congratulations on landing. Welcome to Canada.

(kailangan talaga 8/8/16 ang landing date? Itaya mo sa Lotto)...

Hi ragluf,

Coincidence lang... not planned. ;D ;) :D

Actually, August 7 ang flight namin.. We arrived in Vancouver on that day, so August 7, 2016 (Sunday) talaga ang landing date namin na naka stamp sa COPR.

We stayed overnight sa Vancouver, 'dun sa house ng isang friend namin. The following day ang scheduled flight namin sa Winnipeg, August 8 (Monday).
... that's the cheapest ticket we could find.
... Maganda rin yun, kasi 12 noon ang flight namin from Vancouver and around 5 pm ang arrival namin sa Winnipeg, so sakto lang na labasan ni sponsor and ng mga friends from their work - hindi hassle sa pagsalubong sa Winnipeg airport...

... Good luck to all of us ...
 
go north said:
... Good luck to all of us ...
Good luck and all the best. Welcome to Canada! It will all be smooth over time...mabilis lang ang adaptation and adjustment.


.../atb
 
ragluf said:
Good luck and all the best. Welcome to Canada! It will all be smooth over time...mabilis lang ang adaptation and adjustment.


.../atb

Hi Sir, once nag PPR na po ba sure na yung visa? Thanks!
 
glad to be back in the forum, napasyal pa kaya dito ang mga kabatch ko noon ;D

anyway welcome sa mga bagong dating sa Canada :)
 
galaniel said:
Hi Sir, once nag PPR na po ba sure na yung visa? Thanks!

:) - explain ko muna ha.

Actual - walang linkage ang PPR sa approval ng visa. Another milestone in the application process. Masasabi lamang na isang napakagandang indicator ng progress ng application patungo sa approval. Bago kasi umabot sa ganito (PPR) karamihan ng mga tanong at requirements ukol sa application ay nasagot na or naipadala na, at wala ng follow-up na tanong or kailangan pa. So kapag dumating na ang PPR, nasa dulo na ng process. Sa karamihan ng applicants, ito at senyales na matatapos na ng positive at ang kailangan na lang ay actual na visa issuance. HInay lang, hindi pa ito kasiguruhan ng approval, hinihingi na ang PP mo dahil handa na ang lahat upang gawin na ang final na decision sa application.

Kung maayos naman lahat at walang pangambang merong external factors sa huling stage na ito, wala ka na dapat ipangamba - kasi halos formality na lang.

Ngunit di naman 100% kaseguruhan ito - kasi merong mga posibilidad na maaring maka-apekto sa approval. Base sa nababasa ko na nuon pa dito at sa mga balita - maaring mangyari ito:
- pekeng PP o me doubt sa authenticity ng ipinasang PP

Kumakailan lang me balitang ito:
http://www.thejakartapost.com/news/2016/08/19/foreigners-using-fake-philippine-passports-accosted-at-manila-airport.html

- me kaso or pending na kasong criminal o sinampahan ng kaso

Kung malayo naman ang ganitong pangyayari sa iyo - relax na lang kasi dulo na ng processo ang PPR. Kaunting hintayan na lang.

.../atb
 
kelotz said:
glad to be back in the forum, napasyal pa kaya dito ang mga kabatch ko noon ;D

anyway welcome sa mga bagong dating sa Canada :)
How's life?
 
ragluf said:
:) - explain ko muna ha.

Actual - walang linkage ang PPR sa approval ng visa. Another milestone in the application process. Masasabi lamang na isang napakagandang indicator ng progress ng application patungo sa approval. Bago kasi umabot sa ganito (PPR) karamihan ng mga tanong at requirements ukol sa application ay nasagot na or naipadala na, at wala ng follow-up na tanong or kailangan pa. So kapag dumating na ang PPR, nasa dulo na ng process. Sa karamihan ng applicants, ito at senyales na matatapos na ng positive at ang kailangan na lang ay actual na visa issuance. HInay lang, hindi pa ito kasiguruhan ng approval, hinihingi na ang PP mo dahil handa na ang lahat upang gawin na ang final na decision sa application.

Kung maayos naman lahat at walang pangambang merong external factors sa huling stage na ito, wala ka na dapat ipangamba - kasi halos formality na lang.

Ngunit di naman 100% kaseguruhan ito - kasi merong mga posibilidad na maaring maka-apekto sa approval. Base sa nababasa ko na nuon pa dito at sa mga balita - maaring mangyari ito:
- pekeng PP o me doubt sa authenticity ng ipinasang PP

Kumakailan lang me balitang ito:
http://www.thejakartapost.com/news/2016/08/19/foreigners-using-fake-philippine-passports-accosted-at-manila-airport.html

- me kaso or pending na kasong criminal o sinampahan ng kaso

Kung malayo naman ang ganitong pangyayari sa iyo - relax na lang kasi dulo na ng processo ang PPR. Kaunting hintayan na lang.

.../atb
Thank you Sir...nakuha na po namin Visa namin last Sept 1..9 days from submission of passport
 
Hello po!

Tanong ko lang po kung meron po na same situation sa akin.. Nagchange po kasi ng ownership tong restaurant na pinatatrabahuhan ko eh may AOR na po ako at open work permit pero ung PR application ko po ay based sa AINP EDS.. Ano po kaya pwede ko gawin?
 
Question po, kapag po ba PPR na tapos kapag isusubmit na ung passports sa vfsglobal, may processing fees po ba yun? mga how much para lang may idea po kame? Thanks po sa sasagot.
 
ianoid_82 said:
Question po, kapag po ba PPR na tapos kapag isusubmit na ung passports sa vfsglobal, may processing fees po ba yun? mga how much para lang may idea po kame? Thanks po sa sasagot.

yep, may fees (secured transmission of your PP to Canadian Embassy).... php 537 per passport
SMS notification.... php 68
Courier (delivery of your PP)....php 285 (optional)

or call their HELP HOTLINE +632 789 4900 for other concern/s


all the best
 
Thanks purpleheart! Appreciate it! :)
 
Go north,

Congrats to you bro, ako baka next year pa, marami pang inaasikaso. I hope to see my batch when I got there. Winnipeg din kmi Go North.


go north said:
Hi ragluf,

Coincidence lang... not planned. ;D ;) :D

Actually, August 7 ang flight namin.. We arrived in Vancouver on that day, so August 7, 2016 (Sunday) talaga ang landing date namin na naka stamp sa COPR.

We stayed overnight sa Vancouver, 'dun sa house ng isang friend namin. The following day ang scheduled flight namin sa Winnipeg, August 8 (Monday).
... that's the cheapest ticket we could find.
... Maganda rin yun, kasi 12 noon ang flight namin from Vancouver and around 5 pm ang arrival namin sa Winnipeg, so sakto lang na labasan ni sponsor and ng mga friends from their work - hindi hassle sa pagsalubong sa Winnipeg airport...

... Good luck to all of us ...
 
hi,

sorry makikisingit lang, sino po dito galing ng middle east? gaano po katagal bago kayo nakakuha ng police cleranance?