thank you sa pag reply sis,..manila-toronto-montreal kc ko,..kabdo kc 1st time ko and dun n ko sa montreal sunduin ng asawa ko mabilis lng pala iniicp ko kc pano nga kung matagal pnu kung maiwan ako ng aircanda hehe takot lng,..thank u,.godbless.. ;D0jenifer0 said:Hello po ! Congrats po , Tama po sa Toronto po kayo dadaan na Immigration at dun din po kayo iinterview hin sa CBSA office madali lang naman po ang tanong isa sa itatanong po nila sa new Immigrant ay kung ano ang nakasulat sa COPR nyo po na question.
Nung time ko po MNL-HK-Vancouver-Toronto sa Vancouver po ang port of entry then domestic connecting flight ko Toronto kinuha ang 2 copies ko ng COPR tinanong din po sa akin ng CBSA officer sa Vancouver kung ano ang complete address ko dito sa Canada tapos pinapirma nya ko sa COPR at sasabihin nya wait nalang ang PR card after 1 month matatanggap 2-3 minutes lang po tapos nako tapos binigay nya yung Personal Copy na isang COPR inattached nya at inistaple sa Passport ko sa Toronto di ganun . Matagal lang talaga ako naghintay kasi peak season nun December 25 at puro pamilya ang nakasabay ko. Kaya nagtagal ako dun ang haba ng pila sa CBSA office #278 ako at naiwan ako ng domestic connecting flight ko.
From Vancouver to Toronto ang byahe 6 hours kaya nirebook ako ng Air Canada Dec. 26 around 5:00 AM nako dumating dito sa Toronto Pearson. Pagdating ko sa Toronto Pearson Airport labas ko baggage claim na at nandun si hubby nakaupo nagtago ako atnag showed up sa harap nya.
Pero Feb. 10-11 ko natanggap ang PR card ko. Nakalagay sa likod ng PR card ko PR since 25 12 2012 Vancouver . Sana Toronto nalang kasi taga dito kami pareho din naman Canada pero mas gusto ko yung dito namali kasi kami ng bili ng ticket dapat 1 stop lang di namin napansin 2 stops pala nagmamadali kasi sa pagbili ng ticket nung time na yun.
Goodluck po sayo at have a nice trip ...!!!