hi...nakapag submit na kami ng mga evidences (Affidavit) from my co-workers, owners ng mga apartment ko and family...still praying for my declaration with Him...
Just want to share, talagang lahat ng hirap at sakit pinagdaanan namin from the time that I have received the letter at ng asawa ko because he was given a copy also. During those times andun ung iyak, pagod, pag-iisip, puyat for almost 1 week na halos 30 minutes ka na lng umidlip dahil kailangan kong sabayan ung time ng Atty. namin. then kahit walang tulog kailangan ko magpunta ng Manila at kahit bumabagyo para ipasign mga Affidavit and hanggang sa the day before ng submission nagka problem pa din.
Pero naisip namin ng asawa ko na ganun talaga and alam namin na after lahat ng sacrifices is ibibigay ni Lord ang the best for us. Mahal ang Attorney's fee, ang total charge sa amin is $8,800 (tax and surcharge included), umabot ng 32hrs kze so $250 per hour siya for 18 Affidavits. Mababa lang sweldo ng asawa ko. Pati Atty namin nadagdag pa sa problema namin. Pero God is so Good kze si Lord pa din ang kumikilos para sa amin. ung $8,800 naging 3mos to pay, nadaan lahat sa prayers. Sabi nga nothing is impossible with Him.
Emern...tama you need to consult sa Attorney. Kapag Atty. ang nag email sa CEM ilang minutes lang sumasagot agad sila. If ever na makapag decide kayo na mag Attorney kayo, gawa ka na ng timeline niyo detailed dapat para ung Atty. will be convinced din at para mas mabilis siya makakapag isip ng isusulat niya sa Affidavit niyo. TImeline is very important kze dun magbebased lahat.
Huwag kang mawalan ng pag-asa kze sa lahat ng nangyayari dun tayo nagiging matatag. Kasama ka pa din sa prayers ko at sa ating lahat na dumadaan sa ganitong pagsubok. He was just testing our Faith and renewing it.