+1(514) 937-9445 or Toll-free (Canada & US) +1 (888) 947-9445
kalaguku said:
..wala pa rin MR ko..di rin nag rereply yung CEM....nag message ako sa webform..di sila nagreply pa..
@ Kalaguku navalidate mo b and na print mo ba barcode mo after validation?
Try mo call and tell them you just want to confirm kung nareceived na nga nila
application mo.Pagtumawag ka i prepare mo na ang tracking number mo, i'm sure
they will ask you the tracking number and courier name.
Goodluck and God bless your application.
Don't give up ,Let us pray that your application is in God's hand :)
 
Kulet045 said:

yes po na validate po naman..opo kasama po din sa mga papers na pinass ko sa CEM...actually 2 po kaming nag send though LBC..and same thing to my friend..wala pa rin MR..yung number po ba na naka indicate sa website yun po ba kokontakin ko?thanks
 
Through e-mail: manil-enquiry @ international.gc.ca (office time)
Fax: (02)-843-1094 (office time)
call: (02) 857-9000 (0ffice time)
PLDT/Smart/Touch card 1(909) 101-8888 (office time)
Bayantel 1(903) 101-8888 (office time)
Globe/Innove/Touchmobile 1(900) 101-8888 (office time)

Hopes it helps and God bless us all.Need po maging patience po kayo dyan pagtumawag kayo kasi po
lagi yan busy.Try and try until you succeed. dapat po marami kayong load dyan kung tumawag kayo kasi
if i'm not mistaken 25 pesos po yata ang rate dyan per minute. except po sa number na ito (02) 857-9000.
kaya po kung makakontak kayo sa number na ito (02) 857-9000 eh mas maganda po kasi po national rate call lng po ang
bayad nyo dyan.Good luck po.
 
Pwede raw po unlicall un sa globe. i dunno kung anung promo un sa ganun. sa telephone
 
@ kalaguku

matagal na sana ako gusto mag post about sa concern mo pro medyo busy na din..

tol, hindi pa ma entertain yung email mo dahil wala ka pang UCI at application no.
Nung nag email kasi ako sa kanila di ko nalagay UCI ko at app No. ko kaya hindi ako naka tangap ng reply.
Pro kung maglagay ka nun in every inquiry sa status ng application mo ay mas madali ang sagot nila. Which I also did, kaya after 3 days lang saka pa nag reply. (need din ang UCI at Application No. sa additional docs.)

In your case;
Saan malalaman ang UCI at Application NO.? Yan ay andun na sa AOR at MR mo. Kaya advisable na mag inquire sa status mo after medical exam pa(45 days after to be exact) dahil saka mo pa malalaman ang UCI at App No. mo.

Kaya sundin mo suggestion nila make a call through PIASI para ma trace nila ang application mo.

Make a call from ONE of these numbers only. P32.00 (pesos) per minute excluding VAT and applicable NDD charges for calls made outside Metro Manila. Additional rates may apply for calls made through payphones, prepaid phone cards or mobile phones.
PLDT / Smart / Touchcard- 1 (909) 101-8888
Bayantel- 1 (903) 101-8888
Globe / Innove / Touchmobile- 1 (900) 101-8888

Dont call here.
(02)857-9000 is only to obtain information on Temporary Resident Visa REQUIREMENTS only. The charge is only like local call rates or free if done within metro manila through landline.

pug unlicall ka halimbawa sa globe instead na magbayad ka ng 39.50 per minute [32.00 + (7.50-NDD charge)] ay yung boung P32.00 na lang kaltas sayo yun ang sabi2 nila baka maka save nga try mo din.
Kaya load ka na ng malaki or P1000.00 na para hindi maputol. Once maputol, back from the beginning ka na naman.

Gudluck!
 
Any updates December applicants? Reminder lang po, To avoid delays of your application it is very important to follow-up your
medical results and ask them the date when it was delivered to CEM.Base po sa experienced ng processing head ng agency namin,
kahit nga daw po pinafollow-up nawawala pa. Hope you will do your part to avoid delays.God bless all of you guys
. :) :) :)
 
Good day to all! newbie here! December applicant din po ako.i've sent my application last Dec. 21 and nreceive ng CEM ng Dec. 22.Tapos dumating po MR ko ng Feb. 14.Feb. 16 napmedical ako,but sad to say na pinabalik ako after a week.they need to re-xray daw.nagtanong nman ako kung ano reason bakit ako re-xray,wala maisagot yung nasa desk na babae.nag work po ako sa korea for six years kakauwi ko lang po. and every year meron kami medical, lagi naman ako pasado dun.hindi din naman ako umiinom n nagyoyosi.ganun ba talaga ang medical ng papuntang canada?
 
Hello guys... Feb 14 ako nag pamedical puro ako update sa st.lukes process pa din daw grabe naman sa tagal bago nila ipass sa embassy.. Ganun ba talaga? Kakatawag ko lang kanina march 4. Ok naman medical ko xray clear naman sa blood test ok naman ... Naguguluhan ako... Salamat
 
ronranger said:

Ganun po talaga ang St. Lukes masyado po silang maingat pagdating sa X-ray ayaw kasi nila masira sa CEM.
Kaya lang po siguro pinauulit kasi baka po medyo malabo ang magkakuha sa inyo. Marami naman po pinauulit pero sa awa
po ni God ay Ok naman. No need to worry po, just pray to God and God never fail us. God bless us all :)
 
ariancruz84 said:
Hello guys... Feb 14 ako nag pamedical puro ako update sa st.lukes process pa din daw grabe naman sa tagal bago nila ipass sa embassy.. Ganun ba talaga? Kakatawag ko lang kanina march 4. Ok naman medical ko xray clear naman sa blood test ok naman ... Naguguluhan ako... Salamat
Be patience lang po .Patience is a virtue di po ba? mayroon nga po dyan inaabot ng 1 month
pero sa awa po ni God ay ok naman. Talaga pong loaded now ang St. Lukes sa kanila kasi halos lahat nagpapamedical ang mga Canada applicants wala na po kasi yung Nationwide sa Makati. Yung bago naman na authorize sa Makati na IOM healthcare di masyadong kilala kaya kakaunti ang nagpapamedical. basta po follow-up ng follow-up lang po every 3 days. God bless us all :) :)
 
tanong lang po.kailangan ko ba i-notify ang CEM.pag tapos na medical ko?nakalimutan ko kc UCI ko.
 
ronranger said:
tanong lang po.kailangan ko ba i-notify ang CEM.pag tapos na medical ko?nakalimutan ko kc UCI ko.

yes po pra mkita nila agd ung application mo..you need to know your UCI that's very important..
 
salamat po miss pearlyshell! :)
 
ariancruz84 said:
Hello guys... Feb 14 ako nag pamedical puro ako update sa st.lukes process pa din daw grabe naman sa tagal bago nila ipass sa embassy.. Ganun ba talaga? Kakatawag ko lang kanina march 4. Ok naman medical ko xray clear naman sa blood test ok naman ... Naguguluhan ako... Salamat

So ano daw nagpapadelay kung ok lahat? Sabihin na nating loaded sila sabi nga ni Kulet045 pero ano ang nagpapadelay? Pirma ba ng doctor, specialist na titingin, yung delivery boy nila mabagal?

Kasi nung ako dati nagfollow up sa kanila sinasabi nila saktong rason. "Sir ok po lahat ng results nyo. Ginagawa na po yung abstract ngaun at pipirmahan ng doctor mamayang hapon. Bukas po mafoforward na namin sa Embassy" Tapos symepre tatawag ako kinabuksan at sinabi nilang na forward na sa CEM.

E di malinaw bakit sila natagalan at hindi ako nag-aalala kung anong nangyari sa medical results ko.

Yun lang po. Mababait naman yung mga call taker (nurses) sa SLEC based sa experience ko dati.