hello everyone!
Kumusta po kayong lahat? Mabuti naman at may ganitong THREAD pala dito,
nakakatuwa malaman na may mga kababayan na pwede mong mahingan ng ideas o advice

Katatapos ko lang po ng 24months ko dito sa TORONTO as LIVE-IN CG & by 2nd week of APRIL, mag-file na ako ng APPLICATION FOR PRV & OWP. Isasabay ko na po ang mag-ama ko sa application para minsanan na lang ang paghihintay (sana hindi katagalan)
Aug.2007 po ako dumating dito then after a year, nag-bakasyon sa MNL for 3 months tpos balik uli then after 10months of working, bakasyon uli, ang hirap kasi tapusin ng minsanan ang 24months na malayo sa pamilya. Kaya kahit na makadagdag sa panahon, dahil hindi naman counted ang Months outside CANADA, okay lang din, walang katumbas ang oras at araw na kasama ang pamilya!
Kababalik ko lang po nung JAN.2010 dito, tinapos ko na ung 2months kong naiwan pero pagbalik ko dito, may baon na akong Angel namin, I am 5months pregnant now. I know it's gonna be hard kasi by the time I give birth ako at ang Baby ko lang ang magkasama dito.
May tatanong po pala ako sa mga natapos na ng 24months at nag-submit na ng Application for PRV&OWP, kasi po di ba kailangan ng POLICE CERTIFICATE??? Pag-uwi ko po, kumuha na ako ng NBI & POLICE CLEARANCE & FINGER PRINTS valid for this year 2010, ANG TANONG KO PO, KAILANGAN KO PA DIN BA KUMUHA NG POLICE CLEARANCE DITO SA TORONTO??? Sabi po kasi sa akin ni PMM, "NO NEED" same as CIC when I called them today, kaso po ung friend ko na nauna sa akin last yr, kumuha daw sya pati ung isa pa nyang friend kumuha din kaya tuloy mas lalo akong naguluhan ngayon

Pero naisip ko po na baka kaya naman sila kumuha dahil hindi naman sila umuwi sa atin at nakakuha ng NBI at POLICE CLEARANCE sa MNL, ano po sa tingin nyo???
Kasi gusto ko po talaga maging sigurado at maisubmit ko ng kumpleto ang lahat ng requirements para magkasama-sama na kaming pamilya dito for good!
Maraming salamat po lalo na sa mga makakatulong sa tanong ko & I will also keep u posted on my timeline, as soon as I started!
GOD BLESS US ALL!
Have a meaningful HOLY WEEK!!!