hala.. ako 1 hr 55 mins lang.. 8pm something ang land ko sa vancouver, sana naman hindi masyadong matagal baka maiwan ako plane. huhu
Sis kung ganyan ka konti ang allowance mo dont walk run lol....tama sinabi nila maglakad ka ng mabilis and be sure maunahan mo sila.
Be sure na walang hassle sayo sis kasi kung maabutan mo yung maraming ng land then 3 officer lang nandun naku po...
Di mo maiwasan sumabay sa marami kasi first time mo kaya susunod ka talaga sa flow..
Allowance ko 3 1/2 hours muntik pa kulangin...
Na hold ako pinapunta ako sa agricultural dahil lang sa POLVORON..
Kumporme pa rin sa immg officer yung iba no big deal pero sken kasi pogi nga sana higpit naman.
Na hassle pa kami kasi nawala ang bagahe kong isa, na agriculture pa ako kaya sandamak mak na stress inabot ko...
Nag file ako ng lost baggage ....pag land namin sa Winnipeg eh nauna pa sya sken hahhaha...
Akala namin ng anak ko kinabukasan na kami maka flight sa Winnipeg kasi 7:45 angg alis ng AC..
Naka check in kami ng 8 past na yun pala delayed sila pagpasok namin ng anak ko sinara na nila kami lang talaga inintay...
Alam nyo bang di na namin check in ang bagahe namin sila na nag check in...takbo kami ng anak ko sa gate .
Buti na lang may parang golf cart sa loob at sinakay kami haloy lumipad kami....
hahhahaha mahal ako ng diyos kaya inintay talaga kami hahahha...
Kinabukasan ko na nakuha ang bagahe namin ng anak ko kaya pick up namin kinabukasan sa airport.
Pag dating sira ang mumurahin kong 2 maleta...pero may notification dun na free repair kaya pinarepair namin deliverd after a week ng fedex...
Kaya sa lahat ng mag biyahe kung ingat and wag na magdala ng hassle pa kung konti lang ang allowance para sa connecting flight nyo...